Sunday, October 14, 2018


II. PROLOGO



      Sina Christine Joy G. Tappa at Darelyn Joy B. Rivera ay nagsama upang gumawa ng isang blog na magsisilbing E - Portfolio ng kanilang mga natapos na akademikong sulatin sa asignaturang Filipino sa Piling Larangan (Akademik), naglalaman ang blog na ito ng kanilang mga natutunan sa buong klase na ibabahagi sa inyo upang mabigyan ng dagdag kaalaman tungkol sa ibat ibang uri ng akademikong sulatin.

         Silang dalawa ay gumamit ng sagisag na panulat na Chkredito  at Dadebit na ang unang dalawang letra nito ay mula kanilang pangalan. Mula ang mga ito sa kanilang asignaturang Fundamentals of  Accountancy, Business and Management ,ang kredito ay nangangahulugan na nagpapataas ng panagutan o bumababa ng isang asset o gastos ng isang kumpanya, samantalang ang debit ay nangangahulugang nagreresulta sa pagtaas ng mga asset  o pagbawas sa mga pananagutan ng kumpanya.


        Pinangalanan ng manunulat ang kanilang E - PortFolio na Pasko na nangangahulugang  Pagsasama ng mga  Akademikong Sulatin sa pagbibigay ng mga Kaalaman bilang pakinabang sa lahat ng Oras sapagkat ang isa sa mga layunin ng mga manunulat ay makapagbigay ng karagdagang kaalaman at mapakinabangan ito ng mga estudyante at ng ibang mga guro na naghahanap pa ng ibang mga sagot sa kanilang mga katanungan tungkol sa iba;t ibang uri ng akademikong sulatin. At naniniwala ang mga manunulat na matututunang gamitin ng mga estudyante ang kanilang oras sa tama at hindi magsayang ng oras lalo na sa mga sulating tatalakayin sa ibaba. 

       Inaalay ng mga manunulat ang E - Portfolio na ito sa mga mag - aaral katulad nila na nagnanais pang makahanap ng iba pang mga impormasyon tungkol sa akademikong sulatin at madagdagan ang kanilang mga kaalaman na araw - araw pumapasok sa paaralan upang matuto. 

       Nagpapasalamat ang mga manunulat sa walang sawang pagtulong ng kapwa nila kamag - aral na sumasagot sa kanilang mga katanungan kapag sila ay naguguluhan sa mga dapat gawin sa akademikong sulatin at sa iba pang asignatura. 

      At higit sa lahat sa pinakamaganda nilang guro ng asignaturang ito na walang sawa at kahit pagod na ay patuloy parin sa pagtuturo ng malalaki at maliliit na detalye ng akademikong sulatin kahit na alam niyang walang pumapasok sa utak ng kaniyang mag-aaral.





No comments:

Post a Comment