Sunday, October 14, 2018












I.  PAMAGATING PAPEL


            Sina Christine Joy G. Tappa at Darelyn Joy B. Rivera ay kapwa mag- aaral ng Lagro High School (Senior High School) , Grade 12 sa strand na ABM sa sekyon Friedman. Inaasahang magtatapos sa darating na taon. Sila at may sagisag panulat na Chkredito at Dadebit at and manunulat ng E - Portfolio na ito.

II. PROLOGO



      Sina Christine Joy G. Tappa at Darelyn Joy B. Rivera ay nagsama upang gumawa ng isang blog na magsisilbing E - Portfolio ng kanilang mga natapos na akademikong sulatin sa asignaturang Filipino sa Piling Larangan (Akademik), naglalaman ang blog na ito ng kanilang mga natutunan sa buong klase na ibabahagi sa inyo upang mabigyan ng dagdag kaalaman tungkol sa ibat ibang uri ng akademikong sulatin.

         Silang dalawa ay gumamit ng sagisag na panulat na Chkredito  at Dadebit na ang unang dalawang letra nito ay mula kanilang pangalan. Mula ang mga ito sa kanilang asignaturang Fundamentals of  Accountancy, Business and Management ,ang kredito ay nangangahulugan na nagpapataas ng panagutan o bumababa ng isang asset o gastos ng isang kumpanya, samantalang ang debit ay nangangahulugang nagreresulta sa pagtaas ng mga asset  o pagbawas sa mga pananagutan ng kumpanya.


        Pinangalanan ng manunulat ang kanilang E - PortFolio na Pasko na nangangahulugang  Pagsasama ng mga  Akademikong Sulatin sa pagbibigay ng mga Kaalaman bilang pakinabang sa lahat ng Oras sapagkat ang isa sa mga layunin ng mga manunulat ay makapagbigay ng karagdagang kaalaman at mapakinabangan ito ng mga estudyante at ng ibang mga guro na naghahanap pa ng ibang mga sagot sa kanilang mga katanungan tungkol sa iba;t ibang uri ng akademikong sulatin. At naniniwala ang mga manunulat na matututunang gamitin ng mga estudyante ang kanilang oras sa tama at hindi magsayang ng oras lalo na sa mga sulating tatalakayin sa ibaba. 

       Inaalay ng mga manunulat ang E - Portfolio na ito sa mga mag - aaral katulad nila na nagnanais pang makahanap ng iba pang mga impormasyon tungkol sa akademikong sulatin at madagdagan ang kanilang mga kaalaman na araw - araw pumapasok sa paaralan upang matuto. 

       Nagpapasalamat ang mga manunulat sa walang sawang pagtulong ng kapwa nila kamag - aral na sumasagot sa kanilang mga katanungan kapag sila ay naguguluhan sa mga dapat gawin sa akademikong sulatin at sa iba pang asignatura. 

      At higit sa lahat sa pinakamaganda nilang guro ng asignaturang ito na walang sawa at kahit pagod na ay patuloy parin sa pagtuturo ng malalaki at maliliit na detalye ng akademikong sulatin kahit na alam niyang walang pumapasok sa utak ng kaniyang mag-aaral.






V. RUBRIKS





IV. EPILOGO

       Makikitang hirap gawin ang akademikong sulatin at dahil sa pagtatyaga ng mga manunulat at napagtuunan nila ito ng pansin ay natutunan nila kung paano gumawa ng iba't ibang uri ng sulatin.

          Masasaksihan ang mga pinaghirapang gawa na akademikong sulatin ng mga manunulat at sakaa lang mararamdaman ng kasiyahan ng matapos ito. 


VII. BIONOTE




            Siya si Christine Joy Garcia Tappa , labimpitong taong gulang na ipinanganak noong Oktubre 23 2000 sa Quezon City. Kasalukuyan niyang tinatapos ang kursong Accountancy, Business and Management sa programang Kto12 ng DepEd sa paaralang Lagro High School. Panganay siya sa tatong magkakapatid. Maaari siyang makontak sa numero 09185720257 at sa email na Christinetappa00@gmail.com.







       Si Darelyn Joy Bustamante Rivera ay labimpitong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa Lagro High School sa Senior High School at kasalukuyan na sa Baitang labindalawa ng K-12 Program at kumukuha ng Strand na Accountancy Business Management (ABM). Maari syang mapuntahan sa Novaliches,Quezon City at makontak sa numero 09387258538 at sa email na darelyn_joy@yahoo.com.




III. NILALAMAN


1. Abstrak
Ang abstrak ay isang maikling paglalahad ng kabuuan ng isang pananaliksik.(Saldivar,2006) 



Pamagat: Pagkukumpara ng mga Mag-aaral na Mayroon at Walang Almusal sa Baitang 11 sa Lagro High School

Mananaliksik: Dela Cruz et.al
Paaralan: Lagro High School
Tagapayo: G. Rodel D. Sioco
Petsa: Marso 2018


I. Motibasyon



                   Ang pagkain ng almusal ay nakapagdadagdag sa pagpapahusay ng kaalaman at pagdadag ng sapat na enerhiya ng isang mag-aaral. Ang hindi pagkain ng almusal ay maraming masamang epekto sa kalusugan ng bawat inidbidwal laong lalo na sa mga mag-aaral.



II. Suliranin

  1. Ano ang pinagkaiba ng estudyanteng kumakain at hindi kumakain ng almusal? 
  2. Bakit konektado ang pagkain ng almusal sa pang-akademikong gawain ng Grade 11 sa Lagro High School? 
  3. Paano nakakaapekto ang almusal sa pang-akademikong gawain ng mga Grade 11 sa Lagro High School?





III. Pagdulog at Pamamaraan



                Ang disenyong ginamit sa pag-aaral ay paraang deskriptibo metodolohiya upang mailarawan ang sistema ng pagkain a hindi pagkain ng mag-aaral ng HUMSS. Gumamit din ang Quantitative Deskriptive Survey Research Design kung saan gumagamit ng talatanungan (survey queastionnaire) upang makalikom ng datos batay sa naturang pananaliksik.





IV. Resulta

                Ang naging resulta dalawang talahanayan na tumutukoy sa epekto ng pagkain at hindi pagkain ng almusal ng mga mag-aaral, sa unang talahanayan mayroong mean na 3.51 ang palaging kumakain at ito ay nakakasagot sa katanungan ng guro at sa pangalawang talahanayan ay paminsan minsan kumakain ng almusal at ito ay nakakaapekto sa pagpokus sa kanilang pag-aaral. Sa 70 respondante, 55.71% dito ay palaging kumakain at mayroong sapat na kaalaman upang makasabay sa mga pang-akademikong gawain.





V. Konklusyon

                Ang pagkakaroon ng sapat na enerhiya at kaalaman ng estudyante ay ang kumakain ng sapat na almusal bago pumasok sa paaralan. Ang hindi pagkain ng almusal ng mga mag-aaral bago pumasok ay mayroong malaking epekto sa pagtuon ng atensyon sa mga pang-akademikong gawain.



Inilikha ni : Tappa,Christine Joy G.







Pamagat: Epekto ng pagsali sa mga Social Networking Websites sa piling 1st yeae students mula kolehiyo ng Komersiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas. 
Paaralan: Unibersidad ng Santo Tomas
Petsa: Feb. 24, 2009 
Mananaliksik: Alviar et. al


I.Motibasyon
            Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa mga Social Networking Websites na kasalukuyang higit na tinatangkilik ng mga kabataan ngayon kagaya ng Friendster, Multiply at Myspace. 

II.Suliranin
           Ang mga Social Networking Websites ay mada ma nabibigyan ng mga negatibong kritisismo. Ang pananaliksik na ito ay ginagawa para malaman kung ano ang epekto sa mga kabataan ng sumasali sa mga Social Networking Websites.

III.Pagdulog at Pamamaraan  
          Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey na nag lalaman ng sampo na mga katanungan na maaaring open at close ended. Ang naturang sarbey ay ipinamahagi sa 50 na mga tagatugon na kinabilangan ng mga isang kolehiyo na mag aaral mula sa Unibersidad ng Santo Tomas, mula sa kolehiyo ng Komersiyo at 1st year na mag aaral. 

IV.Resulta  
         Ang lumabas na resulta ng mga datos ay malaking porsiyento amg nag sasabing higit na nakakabuti ang pag gamit nito at ang mga karaniwang dahilan ay ang pakikihalubilo at pagpapakita ng sarili identidad. Mas naging matimbang ang mabutimg epekto nito sa kabila nf masasamang epekto nito tulad ng mga kumukuha ng identidad o impormasyon at pornograpiya.

V. Konklusyon 
         Sa pagwawakas ng pananaliksik na ito isang simpleng dahilan na nagkakaroonng bawat kabataan o kahit mga matatanda ng Social Networking Websitea ay upang makihalubilo sa ibang tao sa internet. Ito ay nakasalalay na lamang aa pagiingat ng bawat indibidwal sa mga impormasyon tungkol sa kanilang mga sarili. Ang Social Networking Websites ay may higit na mabuting naidusulot sa mga mag aaral. 


Inilikha ni: Rivera, Darelyn Joy B.







2. Sintesis


  ay isang anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa maikling pamamaraan ypang ang sari-saring datos mula sa iba't ibang pinanggagalingan (tao, libro , pananaliksik) ay mapasama-sama at mapag-isa tungo sa isang malinaw na kabuuan o identidad.




"Ang Gamit ng Teknolohiya Ngayon"

        Ang sintesis na ito ay nasa anyong pagpapaliwanag(exploratory synthesis) at nasa uri ng Thesis-Driven Synthesis.



I.                     Pagbubuod



Malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Gumagamit na ng mga kompyuter na may access sa internet na napapadali ang pagkalap ng impormasyo.(Princess Vhalerie,2014). Teknolohiya ang nagpapadali na paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng midya.(EllahChaylaJessa,2016) Ang teknolohiya ang paraan ng pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina at kagamitan upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.(Marigold Claro,2016). Habang patuloy na nagbabago ang ating wika kasabay na pag-unlad ng teknolohiya, hindi na napapansin na may epekto itong dulot.(Simpao,2016). Sapagkat ang masamang dulot nito ay ang mga tao ay nagiging tamad at umaasa na lang sa kompyuter.(Princess Valerie,2014).




II.                   Paghahalimbawa


             Ayon kina AƱiohuero at Nonum (2015), ang social media sites tulad ng mga Facebook, Twitter, Youtube, Instagram, isang uri ng pahayagan kung saan inilalathala ang nararamdaman, nababasa, nakikita o anumang bagay na gusto mong sabihin na pangyayari sa iyong buhay.

             Ayon pa din kina AƱiohuero at Nocum ito ay mabisang paraan ng pakikipagkapwa tao at paglalabas ng damdamin o isipan. Ito ay pakikipagusap sa tao sa pamamagitan ng “chat” sa paglalathala ng mga litrato na hindi na kinakailangan ng mga album.

             Sa pagusbong ng modernong teknolohiya at makabagong paraan ng komunikasyon hindi na maiiwasan na may mga salitang nababaon sa limot at napapalitan ng bago, isa na rito ay salitang “jejemon”. Hindi dapat mababahala sa mga bagong salita na naiimbento dahil maaari itong magamit upang mas mapayabong ang wika kapag lumalaganap at natatanggap na ng nakararami ang mga salitang ito.(Simpao,2016) 


III.                 Pagdadahilan


             Ayon kay S.R Lau(2010),sa positibong epekto ng teknolohiya ang cellphone ay pinakamahalagang gamit ng mg tao ngayon na mabisang tulong sa komunikasyon kung kaya’t may mga kumpanya na gumagawa ng  advance na cellphone sapagkat ito ang kaginhawahan kundi ito ay naging isa naring pangangailangan. Sa tulong ng tenolohiya sa mas epektibo at mahusay ang pagkokomunikasyon dapat magingat ang mga tao dahil may mga panganib din silang maaaring maranasan sapagkat sa mundo ngayon hindi na kasingligtas gaya ng iniisip nila. 



Inilikha ni: Tappa,Christine Joy G. 



“ Epekto ng Sosyal na Pambubully “

I.     Pagbubuod 

             Ayon kay Tadeo (2016), ang bullying o pangungutya ay isa sa mga problema na hinaharap ng mga kabataan sa panahong ito. Bullying ito ang pangaapi ng kapwa tao, ng hindi kaaya-aya o agresibong pagtrato nga isang tao sa kapwa nya. (Berly, 2015) Ayon kay Mercado 2016, ang Cyberbullying ay pananakit o pambubully ng isang tao gamit ang internet, madalas ito nangyayari sa mga magkakaklase at sa mga kabataan. 


II. Paghahalimbawa

            Ayon kay Baradi (2014), Ang epekto sa mga nakakaranas ng pagmamaton sa internet ang mga sintomas nito ay matinding kalungkutan at pagiisa,pagbabago ng pagtulog at pagkain, pagka wala ng interest sa mga ibang gawain at pagdaing ng mga sakit. At ayon pa sa kanya ang kabataang nakakaranas ng pagmamaton ay nagkakaroon ng problema sa pansarili at paaralan maaari sila ay lumiliban sa klase o kaya ay tumitigil sa pagaaral, pagkakaroon ng bagsak na grado, pagiging sobrang mabiyain at paginom ng alak at paggamit ng droga. 

III. Komparison at Kontrast

           Ayon kay Perol (2016) may dalawang uri ng pangmamaton ito ay ang sosyal na pambubulas isang uri ng pambubully kung saan sinisira ng bullies ang reputasyon at pakikitungo sa ibang tao ng kanilang binibiktima at ang isa naman ay ang pisikal na pambubulas na pananakit at paninira ng kanya kanyang pag aaral kagaya ng panuntok, paninipa, pananampal, pangungurot at iba pang pananakit sa pisikal. Ang pagkakapareho ng sosyal at pisikal na pambubulas ay pareho silang nakakasakit ngunit ang pinagkaiba lamang nila ayon kay Perol 2016 ang sosyal ay nakakapanakit sa pamamagitan ng internet at ang pisikal naman ng pambubulas ayon din sa ka niya ito ay pangungutiya harap harapan at nakakasakit sa pisikal na kaanyuan.



Inilikha n: Rivera, Darelyn Joy B.





3. BIONOTE

       Ang bionote ay dapat lamang na isang maikling impormatibong sulatin na karaniwang isang talata lamang at naglalahad ng mga kwalipikasyon ng isang tao o indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang panauhin o bilang propesyunal. 






Joselino P. Garcia
     Siya ay isang Electrical Engineer. Ipinanganak noong November 14,1966 sa Manila. nakapagtapos ng Bachelor of Science in Electrical Engineering sa paaralang Technical University of the Philippines. Nakatira siya ngayon sa Towerville San Jose Del Monte Bulacan. Mula sa pagiging Cadel Engineer, nagkapagtrabaho siya sa iba't ibang kumpanya.

              Kasalukuyan siya ngayong nagtatrabaho sa Topstar Mix Ready Concrete Inc. At siya ay naging Baching Plant Consultant. Siya ay panganay sa limang magkakaptid. Isang maatiyagang ama na mayroong dalawang anak. Maaari siyaang makontak sa 09275287771 at sa email na Joselinogarcia@gmail.com






Marco Floro C. Darusin

       Siya ay kumuha ng kursong Drafting Technology sa paaralang Technological Institute of the Philippines at kasalukuyan siyang nag tatrabaho bilang isang Operation Manager sa Axiscad - Cad Production Services sa Makati City. Isa siyang Videographer sa kanyang negosyo na pinangalanang D.Brother’s Multimedia, siya din ay isang Musician at Song Writer. 
           Kasalukuyang siyang tumutugtog sa isang Apostlic Church. Maaring siyang maemail sa kaniyang email account na Darusin.marco@gmail.com at makontak sa numerong 09561321911.




4. PANUKALANG PROYEKTO

Ang panukulang proyekto ay isabg aplikasyon tungkol sa pag-apruba para sa isang proyekto. Ito ay isang detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema.




Pamagat ng Proyekto: Pinamagatang SUM.PAG.KA na ngangangahulugang SUMusulong sa PAGpapaunlad ng KAlinisn. Ito ay isang seminar na lalahukan ng mga kabataan, guro, magulang at iba pa. sa Barangay Multipurpose Hall sa Quezon City.

Kategorya ng Proyekto: Ang gawain ay isang programa bilang paraan upang linangin ang mga mamamayan ng Quezon City sa pagpapaunlad ng kapaligiran.

Kabuuang Pondo: Gugugol ito ng kabuuang P7,345 sa proyektong nabanggit. Nasa ibaba ang kabuuang detalye.

Deskription ng Proyekto: Ang proyektong ito ay tinatawag na SUM.PAG.KA.
(SUMusulong sa PAGpapaunlad ng KAlinisan). Ang SUMPAGKA ay nangangahulugang papaunlarin ang kalinisan ng bawat lugar. Idagdag pa rito ang kalinisan na paglilinis ng maayos upang mapaganda ang kaligiran. Ito ay magsisisilbing paraan upang mapanatiling malinis at maayos ang mga puno , halaman at daanan na maaaring pagdaluyan ng tubig sa kapaligiran. Layunin ng proyektong ito ang mga sumusunod:

1.   Maisaayos ang daluyan ng tubig sa mga estero upang maiwasan ang pagbabara kapag mayroong baha.
2.   Maisaayos ang mga nalanta o mga naputol na mga puno o halaman.
3.   Mapanatili ang mga kalinisan sa susunod pang henerasyon.


Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto: Makikinabang sa proyektong ito ang mga mamamayan ng Quezon City. Tinitiyak ng gawaing ito  na matugunan ang mga kakulangan at pangangailangan at  mga suliranin ng lungsod. Hangad nito na maibsan ang mga pagbabaha at mapanatili rin kalinisan sa loob at labas ng mga tahanan.

Gastusin ng Proyekto: Inilalahad dito ang mga gagastusin sa buong proyekto.
                  

AYTEM
HALAGA
KABUUAN
Pagkain at tubig
130x30
3,900
Ispiker
1500x2
3,000
Sertipiko pasa sa mga dumalo
7.50x30
225
Tarpaulin
220
₱220


7,345




INTRODUCTION

A. Rasyonal, Layunin at Paglalahad ng Suliranin
              
           Ang kalinisan ay para sa lahat ng mamamayan na makatutulong para sa kinabukasan at ito ang paraan upang ang katawan at kapaligiran ay hindi maapektuhan ng mga sakit. 
           Ang kalinisan ngayon ay hindi na nabibigyan ng pansin dahil nakukulangan na sa oras. Ang mga kaliwa't kanang mga pagpapatayo ng mga bahay at ang pagbabara ng mga estero sa mga kalsada.
          Ang layunin ng panukalang ito na mabigyan ng tulong ang bawat mamamayan na maging malinisat matugunan ang mga suliranin at ang pangangailangan sa Quezon City.

b. Deskripsyon ng mga Gawain
          
              Ang proyektong ito ay ang pagtulong sa mga mamamayan ng lugar sa Kalayaan A,B at C . ito ay gaganapin sa araw na linggo Agosto 27,2018 sa oras na 11:00 ng umaga at inaasahang matatapos sa parehong araw sa oras ng 4:00 ng hapon.


C.Badyet


AYTEM
HALAGA
KABUUAN
Pagkain at tubig
130x30
3,900
Ispiker
1500x2
3,000
Sertipiko pasa sa mga dumalo
7.50x30
225
Tarpaulin
220
₱220


7,345



Tagapanuka ng proyekto : Tappa, Christine Joy G.





5. TALUMPATI
        Ang talumpati o (speech)- ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao.

"Ang Kalikasan ay Naghihirap din"

              Magandang hapon sa inyong lahat, mga naggagandahan at naggagwapuhang na kapwa ko mag-aaral at mga guro. Ako si Christine Joy G. Tappa mula sa seksyon ABM- Friedman na narito sa inyong harapan upang talakayin ang kalikasan. Kalikasan tulad sa isang matanda na hindi naaalagaan paunti-unti ng yumuyuko sa kahirapan. Bakit ang kalikasan ang nakararanas ng matinding hirap at pilit na nagpapakatatag at bumabangon sa katotohanang gusto nang sumuko?
             

               Ang kalikasan ay naghihirap, sabihin na natin na ang tao ang naghihirap ngunit hindi ba ang kalikasan ang pinagkukunan ng ating pangangailangan at mga kagustuhan? Sa simula pa lamang tayong mga tao , tayo ang dahilan ng paghihirap nito. Unang una, tayo ang pumuputol ng mga puno sa mga kagubatan na dahilan ng pagkakalbo nito, ang dahilan ng pagguho ng lupa o landslide at higit sa lahat ang pagbaha, kaunti na lamang ang mga punong sumisipsip ng tubig baha sapagkat ang dami ng punong pinuputol na siyang pinagkukunan ng mga produkto. Pangalawa, dinudumihan natin ang paligid mula sa hindi pagtama ng pagtatapon ng basura sa tama nitong kinalalagyan , ang hindi paghihiwalay ng nabubulok , di-nabubulok at recycle na dahilan ng pagbabara ng mga daluyan ng tubig o estero sa tuwing umuulan. Ang basurang tinatapon natin kung saan-saan ay siyang bumabalik sa atin. Pangatlo, ang mga sasakyang pang-transportasyon tulad ng mga bus, jeep, tricyle at iba pa ay kulang na lamang ay maging pabango ang inilalabas ng mga usok  sa sobrang itim sa mga tambutsiyo nito. Nakakaapekto ito sa ating kalikasan, pagkatuyot ng mga dahon, pagkabulok ng mga bunga ng mga puno na noon ay hitik na hitik sa bunga at hindi basta-basta nalalanta at lalong lalo na sa hangin , ang hangin ang pinaka naapektuhan ng mga usok ng mga sasakyan. Batay sa libro ng Earth and Life Science(2017), ang pagkakaroon ng pag-iiba iba ng klima ay sanhi ng global warming, ang pagbabagong ito ay siyang nagpapabago ng kapaligiran at naaapektuhan nito ang ating kalikasan. Nagiging polluted ang ating kapaligiran at ang mga taong hindi na humahaba ang buhay sapagkat nakakalanghap ng mga usok na sanhi ng kanilang pagkasakit. Nang ako’y umuwi sa probinsya ng aking ama, napansin ko ang pagkakaiba nito sa lungsod natin ngayon , sariwang sariwa ang mga hangin, maaliwalas ang kapaligiran at ang mga matatanda na nasa edad 80 na pataas ay kaya paring magtanim, hindi tulad dito sa atin pili nalang ang mga matatandang nakakalanghap ng sariwang hangin at puro gamot na lang ang kanilang iniinom upang lumakas at iba rito ay nakawheelchair na. Bilang mag-aaral naniniwala ako na magagawa nating tulungan ang ating kalikasan, mula sa pagtatanim ng panibagong puno na tinanggal noon sapagkat kailangan magpagawa ng karagdagang MRT at pagpapalit ng mga puno na nasalanta ng mga bagyo at ang mga ito ay makatutulong rin sa ating kinabukasan. Naniniwala ako na magagawa natin ito sapagkat tayo rin ang makikinabang nga mga ito.

              Sa panahon ngayon at tag-ulan,hahayaan ba natin na panghabambuhay ganito ang sitwasyon ng ating kalikasan? Tayong mga tao ay dapat maging responsible sa lahat ng mga bagay upang ang dating Kalikasan na tulad sa isang matanda na hindi naaalagaan paunti-unti ng yumuyuko sa kahirapan ay mapalitan ng Kalikasan tulad ng isang sanggol na inaalagaan hanggang maliit pa lamang at makatutulong sa kinabukasan.
  
Inilikha ni: Tappa, Christine Joy G.


 “Maagang pagrerelasyon na punta sa Kumplikasyon” 

                  Sa panahon ngayon marami na ang nakakarelate sa kantang “ Paano ba ang mag mahal palagi lang nasasaktan, umiiyak na lang palagi gusto ko ng lumisan" ang isa sa kita na kanta ni Sarah G. ngunit sa kabila nito ano nga ba ang pakikipagrelasyon? Ang alam ng karamihan ay ang pagmamahalan lamang ng isang lalaki at babae, kung kaya’t maraming kabataan ang nakikipag relasyon ng maaga at na punta lang sa walang patutunguhan. 
                   Maraming kabataan ang maagang nakikipagrelasyon kung kaya’t maraming mga kabataan ang nasasaktan kaagad, dahil mali ang pag kakaintindi nila sa salitang pag mamahal at pakikipag relasyon. Una ang iyong pakikitungo sa iyong mga kaibigan, kaibigan na sasamahan ka sa kalokohan at sa kabaliwan ngunit di lang dapat ang mga kaibigan na sasamahan ka lamang sa masasayang araw kundi pati na rin sa iyong mga problema at magiging maganda ang impluwensya sa iyo at pinapahalagahan ang pakakaibigan nya. Pangalawa ang pakikisama at pagmamahal mo sa iyong pamilya, pamilya na nagpalaki sayo, nag alaga sayo, nag mahal sayo simula sa sinapupunan ka pa lamang at nagbibigay sayo ng pinansyal na pangangailangan. Pangatlo ang relasyon mo sa Diyos, ang Diyos na lumikha sayo, ang Diyos na kahit may ginawa kang mali o kasalanan, na kahit na kinukwestyon at ayaw mo sa kanya, na kahit na di mo deserve lahat ng kabaitan nya, andiyan at andiyan pa din sya sa tabi mo at mamahalin ka ng buong buo, tatanggapin ka at di ka pababayan. 
                  Ang pakikipag relasyon at pagmamahalan at di lamang umiikot sa isang babae at lalaki, kundi kung paano ka makitungo, makisama, magmahal at ang relasyon mo sa Diyos at sa mga taong nakapalibot sa iyo at lagi mong tatangdaan na hindi ka nag iisa dahil laging nandiyan ang mga kaibigan mo, pamilya mo, at lalong lalo na ang Diyos. 


Inilikha ni: Rivera, Darelyn Joy B.






6. PHOTO ESSAY
       Isa itong koleksyon ng mga imahe na inilagay sa isang partikular na pagkasund-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, damdamin at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.



#KARAPATAN





Sa nagdaang mga bagyo, sa pagsubok na hinarap at halos ilang taon na lumalaban, ang magkaroon ng malinis na kapaligiran ay hindi na agarang nabibigyan ng pansin ninuman. Hindi nagpatinag ang mga taong makapangyarihan sa mga taong pilit na bumabangon para lamang sa kanilang mga tirahan. May mga salungat sa pagkakaroon ng malinis na kapaligiran ,iilan na lamang ang natitira, mahirap ngunit kinakailangan tanggapin. Sa dami ng problema ng mga tao ay patuloy na lumalaban para sa bawat karapatan. Kung kaya't sapilitang paglaban ng mga mamamayan ay nakakadumi ng kapaligiran.






Bawat paglingon kawalan ng kalinisan ang nasisilayan ng mga tao. Sa paglitaw at paglubog ng araw kalungkutan ng mga taong naninirahan noon ang mga dalahin sa kanilang mga alaala. Mga winasak na tahanan para sa pamahalaan ang siyang naging problema. Hindi maiibsan ang problema kung kaya' bukas ang kapaligiran sa panibagong pag-asa.












"Ate, Kuya, namamalimos lang po". Sagabal at yagit ngunit nakakaawang pagmasdan na ang bawat tao ay dapat nasa magandang kinalalagyan. Ang babaeng ito ay napabayaan at nawalan ng tirahan. Kung kaya't sa umaga hanggang hapon ay  nagtitiyaga. Nakalulungkot isiping mayroong ganitong tao sa kapaligiran. Iwasan ang patuloy na kapabayaan at tulungan ang sarili maging ang kapaligiran.


















         "Maghintay lamang hanggang sa humupa" ika nga ng nakararami. Mga taong nahihirapang umiwas sa nagraragasang tubig na mistulang baha at lusungin ang daan. Sapagkat mula sa mga pinagwawasak na tirahan upang gawing daanan, mga punong pinagpuputol na dahilan ng pagbaha, sa kawalan ng pagpapahalaga sa kalinisan sa paligid, sarili ay nahihirapan. Kung anong ginawa ay siyang may kapalit. Nararapat lamang na pagkaingatan ang ibinigay at maging malinis sa kapaligiran.





        Lahat ng bagay na pinapabayaan ng tao ay may patutunguhan. Sa pagdaan ng panahon, ang mga tao ay nagiging pabaya , hindi namamalayan ang kagandahan ng kapaligiran ay napalitan. Ang dumi ng kapaligiran ay huwag hayaan , maging ang mga dahong pinutol galing sa puno ay ilagay sa tamang kinalalagyan. Sa muling pagmulat ng iyong mga mata matatandaan ang mga dapat tandaan tungo sa kalinisan.






Inillikha ni: Tappa, Christine Joy G.



#HINAING NG KALIKASAN





    Katarungan para sa kalikasan! Pati ang kalikasan ay humihingi rin ng katarungan, katarungan na minsa'y pinagkakait pa nang sangkatauhan. Sa simpleng pagtapon ng basura sa tamang kinalalagyan ay hindi pa magawa, simpleng kasunuran lamang ngunit tila'y nagiging napakahirap pa. Ngunit sino nga ba ang nakikinabang sa kalikasan, hindi ba't ang sangkatuhan din?







          Ngunit kapag binalik na ng kalikasan ang kanilang mga natapon ay tila'y mga basang sisiw at kaawa-awang mga nilalang, ngunit ang sangkatauhan din naman ang dahilan kung bakit sila'y napiperwisyo, hindi ba? Pero bakit tila’y sinisi pa nila sa iba ang kanilang mga nagawa? At alam din naman nila sa kanilanh mga sarili ang katotohanan.








         Sa bawat oras at araw na lumilipas tila’y ang mundo ay nagiiba na rin nang dahil lamang sa simpleng pagtapon ng basura sa tamang tapunan ay nagdudulot na ng malaking perwisyo sa ating bansa at lalong lalo na sa timpla ng kalikasan.





       Sadyang kay sarap balik-balikan ang kalikasan na walang bahid ng karumihan nang sangkatauhan. Hinahanap ng karamihan ang kay gandang kalikasan ngunit ang bawat isa rin naman ang kadahilanan kung bakit ito nawasak. Hindi man lang mabigyan ng katarungan ang pagkasira ng kalikasan, maski ang gobyerno na namumuno ay walang pakialam, kahit pa may batas para sa kalikasan, hindi pa rin nito maibigay ang Katarungan.





Inilikha ni: Rivera, Darelyn Joy B.


Sanggunian: https://brainly.ph/question/783278




7. AGENDA
     Plano o mga gawain na kailangang gawin. Karaniwang gumagawa ng agenda sa mga pagpupulong kung saan inililista o isinusulat nila ang mga paksang kailangan nilang pag-usapan. 

RUTH'S WOMENS PARTY
Barangay Commonwealth, Quezon City
Petsa: Septyembre 22, 2018
Oras: 1:00 PM
Lokasyon: Silid Pulungan


I. Introduksyon
Ang isasagawang pagpupulong ay gaganapin sa silid pulungan ng Brgy. Hall sa ganap na ika-1 ng hapon. Ito ay patungkol sa reklamong pambabastos ng isang menorde edad na dalaga, sa pagpupulong na ito ay pag-uusapan kung ano ang maaaring maging solusyon sa aksidenteng nangyare. Ito ay pamumunuan ni Gng. Liza Maza.


II. Pagtatala ng mga Dumalo
Ang inaasahang dadalo sa pag pupulong ay 7.


III. Pag Presenta at Pagtatalakay sa Agenda
Ang pagpupulong na ito ay tatalakay sa naganap na pambabastos sa isang menorde edad na babae. Tatalakayin sa agendang ito ang mga suhestiyon ng mga kasapi sa pagpupulong upang maiwasan nang maulit ang katulad na insidente.


IV. Pangwakas na Salita
Sa pagtatapos ng pagpupulong inaasahan na magkapagbibigay ng suhestiyon ang bawat kasapi at makagagawa ng solusyon sa problema.


Inilikha ni : Tappa, Christine Joy G.

Adyenda ng Pagpupulong ng SSG Officers 
Saan: Lagro High School– Main Campus (AVR) 
Kailan: Biyernes ng 3:30 ng Hapon 
Ang ating Adyenda para sa ating pagpupulong sa araw na ito sa organisasyon ng Supreme Students Government 
1. Paghahanda para sa Sport Fest ngayong Oktubre 
2. Pag-uusap ukol sa kung ano ang gagawing aktibidad para sa simula ng Sport Fest tulad ng nasaad sa ibaba: Cheer dance Basketball Volleyball 
3. Pagsasaayos ng pagkasunod-sunod ng aktibidad ayon sa abiso ng ating tagapaggabay ng organisasyon. 
4. Pagtalaga ng mga kasapi sa pagpupulong ng kanilang mga gawain sa simula ng selebrasyon 
5. Pagtalaga ng araw para sa pagpupulong ng mga pangulo bawat seksyon 
6. Pagsangguni sa punong guro ng paaralan tungkol sa naging pagpupulong sa nasabing aktibidad 

Maraming Salamat sainyong Kooperasyon! 


Inilikha ni: Darelyn Rivera 



8. KATITIKAN
     Ang katitikan ng pulong ay naglalaman ng mga bagay at paksang pinag-usapan sa pagpupulong. Nakasulat dito ang mga mahahalagang punto na dapat gawin ng mga naatasang miyembro patin na rin ang iba pang plano ng grupo sa hinaharap.


RUTH'S WOMEN'S PARTY 
Brgy. Commonwealth, Quezon City
Petsa: Setyembre 22, 2018 
Lugar ng Pulong: Silid-Pulungan 
Mga Dumalo 
Mga Hindi Dumalo 
1. Asst. LUZVIMINDA ILAGAN 
2. Kapatid TERESITA MAGTANGGOL 
3. Kapatid MARISA MANALOTO 
4. Kapatid GLENDA ROXAS 
5. Kapatid AURORA SARMIENTO 
6. Kapatid MARIA PATNUBAYAN 


Daloy ng Usapan 


Panimula 


Panalangin 
Pagpapakilala 
ONE MILLION RISING REVOLUTION 2018


PANIMULA: 

SPOKEPERSON LUZVIMINDA ILAGAN 
Pinasimulan ng spokeperson ng Ruth's Women's Party ang pagpupulong ganap na ika-1 ng hapon hanggang ika-3 ng hapon at petsa ika-22 ng Setyembre 2018 sa pamamagitan ng isang panalangin na nagmula din kay Spokeperson Luzviminda Ilagan. 


Matapos ang panalangin ay binasa ni Spokeperson Luzviminda Ilagan ang kanilang pagpupulungan na tungkol sa kanilang kasamahan na nabastos di umano. 


Leader Liza Maza : Maaari lamang ba na ang ilan sainyo ay magbigay ng suhestiyon bilang tulong narin. 


Kapatid Marisa Manaloto: Kung paano kung ipahuli nalang naten siya sa pulis bilang parusa. 


Kapatid Teresita Magtanggol: Bakit hindi tayo magkaroon ng session para matuto tayo ng self defense tulad ng karata at taekwondo?


Kapatid Glenda Roxas: Kung sampahan naten ng kaso magpatulong nalang tayo kay Atty. Precilla Acosta. 

Kapatid Maria Patunabayan: Maari tayong magsulong ng ....laban sa mga nangaabuso sa kababaihan sa ating bansa. Dahil maraming kababaihan ang inaasubo. 

Liza Maza: Kapatid Marisa Manaloto: Maaari tayong magpa-Zumba. Tiyak na magugustuhan ito ng publiko. Maaaring isabay ito sa pagtitinda ng barangay. 

Kapatid Aurora Sarmiento : Maari po tayong magkaroon ng Chroma o isang Colored Fun Run. Maraming mae-enganyong sumali rito sapagkat maraming kulay ang babalot sa paligid at maging sakanilang mga tatakbo. 

Kapatid Maria Patnubayan : Maraming Salamat KGG. Caba Lopez. May iba pa po bang suhestyon? 

Liza Maza: Yun na ba ang lahat ng suhestyon? 

Kapatid Teresita Magtanggol: Sinasarado ko na po ang pagbibigay ng suhestyon. 

Liza Maza: Sa apat na suhestiyon na inyong ibinigay, tayo po ay magkakaroon ng botohan upang mapag desisyonan kung ano ang ating pipiliin. Napagkasunduan na gaganapin ang suhestiyon ni Kapatid Maria Patnubayan na "One Million Rising Revolution 2018" upang maisatuparan ang kanilang kagustuhan na pangalagaan ang bawat kababaihan. 

Pagtatapos 
Panalangin 
Pagpapasalamat 
LUZVIMINDA ILAGAN Spokeperson, Ruth's Women's Party 

Pinapatunayang totoo:
LIZA MAZA Leader and Founder of Ruth's Women's Party

Inilikha ni: Tappa, Christine Joy G.


KATITIKAN NG PAGPUPULONG NG SSG OFFICERS NOONG IKA-21, NG SETYEMBRE TAONG 2018, GANAP NA IKA-3:30 NG HAPON SA LAGRO HIGH SCHOOL- MAIN CAMPUS (AVR) 
Mga Dumalo: 
Christine Pantilliano 
Darelyn Rivera 
Avon Nalla 
Mhica Ruiz 
Marjorie Pedimonte 
Yassmin Tanandato 
Kristine Ramos 
Hannah Sesmundo 
Joana Omilda 
Joash Naval 
Arloi Zabala 

DALOY NG USAPAN:
1.) Panimula 
2.) Panalangin 
3.) Mga natalakay Pagtalakay sa gaganapin na aktibidad (Sport Fest) Pag-organisa sa gagawing mga aktibidad Pagpapatawag ng mga pangulo sa bawat seksyon. Pag sangguni sa mg guro ukol sa gaganaping aktibidad
4.) Pasasalamat sa mga dumalo 
5.) Pangwakas na panalangin

Inillikha ni: Rivera, Darelyn Joy B.


9. REPLEKTIBONG SANAYSAY

   Isa itong uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa. Ito ay nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa. Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari.



"Ang Matanda sa Bote"


         Umulan , umaraw. Umaga, tanghali at gabi. Sa bawat pag - ikot ng orasan at sa bawat pagpatak ng mga tubig na lumalabas galing sa katawan habang tirik na tirik ang araw. Hindi maiiwasan  ang kahirapan at kakapusan sa pagkain ngunit  bakit ang isang matanda pa ang nagkakandahirap – hirap  sa pagkayod upang may makain ang pamilya? Bakit ang isang matanda pa ang handang magtrabaho umulan man o umaraw na dapat ay nasa tahanan at inaalagaan?  Nasaan ang pamilya ng matanda at ano ang ginagawa ng mga ito na dahilan kung bakit ang isang matanda ay nasa kalsada? Ilan lamang sa mga katanungang iyan ang pumasok sa isipan ng dalagita ng makita niya ang isang matandang babaeng kurbada na ang likod na naglalakad lakad at pagod na pagod na namumulot ng mga bote sa kalsada.

          Isang matandang babae na nagkakayod upang may makain ang pamilya at hindi iniinda ang init ngunit sa loob- loob ay hirap na ang nararamdaman. Sabi nga sa kantang " Ang magtanim ay di biro, maghapong nakayuko" na maihahalintulad sa matandang maghapong nakayuko at tumitingin sa mga kalsada at naghahanap ng mga bote upang ibenta sa junkshop na kapalit ay pera na kahit pagod na pagod ay pursigido parin upang may paipangkain sa pamilya. Nakalulungkot isipin na bakit ang isang matanda ang gumagawa ng paraan upang kumita ng pera imbis na nasa tahanan , nagpapahinga at inaalagaan. At bakit ang matanda ang nagtatrabaho imbis na ang kanyang mga pamilya at hindi dapat pinapabayaang lumalabas ng tahanan at hayaan sa kalsada. Ika nga ng iba “Kayang tiisin ng anak ang kaniyang ina,ngunit hindi kayang tiisin ng ina ang kaniyang anak” kung kaya't nagpupursigi ang matanda sa pagkakayod ng pera sa pambobote upang hindi mahirapan  ang kanyang pamilya at kahit na siya ay mapahanak. 

       Kung sino pa ang kakaunti nalang ang buhay sa mundo siya pang mas maraming nagagawa. Hangga't maaga pa ay gumawa na ng paraan para sa sarili man o para sa iba upang makakain o kung ano mang makabubuti sapagkat ito ang tutulong sa bawat isa at magkakaroon ng magandang biyaya galing sa Panginoon kung hindi ay maaari niyang bawiin ito at ang sarili ay mahihirapan. Tandaan huwag pababayaan ang pamilya at ang alam nating matanda na  sapagkat  isipin taayo ay tao at tatanda rin. 

Inilikha ni: Tappa, Christine Joy G.


          Ang oras at araw ay sadyang kay bilis lumipas at tila'y pati ang klima ng mundo ay kay bilis din ng pagbabago. Kagaya na lamang ng isang palabas na "Geostorm" ni Direktor Dean Devlin na kung saan pinapalabas na ang klima ng mundo ay nag babago na, kagaya na lamang ng pagkatunaw ng mga yelo, lalong pag-init ng panahon, ang pag-ulan ng yelo, pagkakaroon ng malalakas na buhawi at marami pang-iba, iilan pa lamang yan siguro sa pagbabago ng klima lalo na sa mga susunod pang taon at henerasyon. Ibinabatid din sa palabas na ito ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng bawat bansa kahit na iiba ang kulay at lenggwahe, gayon pa man nagkasundo pa din ang mga bansa para sa kaligtasan ng bawat isa, nagkasundo ang mga bansa sa paggawa ng ‘satellite‘ upang mas maging alerto o mas malaman ng mga taong namumuno tungkol sa klima ang biglang pagbabago ng klima ng bawat bansa at tinatalagang ‘high tech‘ ang pagkakagawa sa mga ‘satellite‘ sapagkat hindi lamang upang makita o matantiya ang bagbabago ng klima kung hindi pwede ding mapigilan ang pagpapago ng klima. Ngunit isinaad din sa palabas na ito na hindi agad dapat magtitiwala sa kung sino man lalo na sa mga tao na kakakilala pa lamang sapagkat maaari itong pagmulan ng isang pagtataksil at maaaring pagsimulan ng problema. Ipinapakita din sa palabas na ang pagpapatibay ng samahan, pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtitiwala sa isa't isa ng dalawang magkapatid na sina Jake Lawson na isang ‘scientists‘ at si Max Lawson na nagtatrabaho bilang ‘staff‘ sa ‘white house‘, sa kabila ng mga pagsubok sa kanilang mga buhay ay napagtagumpayan nila ang mga ito. Ngunit ang pag kasira o pagbabago ng panahon o klima ay hindi lamang dahil nasisiraan lang ng bait ang kalikasan, kung hindi sa bawat mamamayan o sangkatauhan na gumagamit at nakikinabang sa kalikasan. Ayon kay Hannah Lawson ang isang babaeng anak ni Jake, "When we share one future we will survive", kung ang bawat isa ay magkakasundo at magkakaisa para sa hinaharap ang lahat ay mabubuhay at magtatagumpay. "One people, One planet" -Hannah

Inilikha ni:  Darelyn Rivera



10. LAKBAY SANAYSAY
Ang mga lakbay sanaysay ay mga uri ng sulatin kung saan ang may akda ay nagbibigay ng paglalarawan ng kaniyang mga naranasan, gabay, o damdamin sa paglalakbay.Kadalasang ginagamit ang mga lakbay sanaysay sa mga travel blogs upang manghikayat sa mga taong maglakbay sa isang partikular na lugar.


Cagayan, Tuguegarao City

      Ang paglalakbay ay isang masayang pangyayari lalong lalo na kapag kasama ang pamilya , maaliwalas na kapaligiran kung saan makakakimutan ang mga problemang dala-dala noon na nabura ng tumungo sa nais puntahan.


       Buntun Bridge tulay sa pagitan ng Lungsod ng Enrile at Tuguegarao sa probinsya ng Cagayan Valley, tulay na masisilayan ag kahabaan ng katubigan kung saan malulula ngunit mamamangha . Sa nagdaang bagyong Lawin noong 2015 ay higit pang napaganda ang lugar. Maaliwalas at kahit na palubog na ang araw at uulan ay hindi alintana tanawin sa kagandang masisilayan.

         Iba nga ang nagagawa ng pamilya ng sama sama. Nangyari ito sa araw na Abril 27 ,2015 kung saan may fiesta at masaganang nagkakainan at nagkakantahan. Ang pamilya ay hindi mapaghihiwalay. Kahit noon ay salungat ang mga magulang sa mga asawa ng kanilang mga anak ay napawi sapagkat dahil lamang sa reunion kung saan ang biglaang pagpunta dahil sa fiesta nasilayan nila ang masasayang pamilya ng kanilang mga anak ng sama-sama sa nagdaang taon na hindi nila namalayan. Iyak, tawanan,  kainan at inuman at sama sama paring nagtutulungan. Ang pamilya ang biyaya ng paninoon sila ang masasandalan sa anumang problema kung kaya't lubusang nagpapasalamat sa biyayang ibinigay sapagkat makalipas ang ilang taon ay nakikitang lumalaki na ang bata at nakakaantig ng mga puso na masisilayan ang mga magkakamag-anak na masaya. 
          Dahil sa Once A Year ay iba ang nadarma ng makasama ng matagal  ang mga mahal sa buhay at tumagal ng mahigit dalaawang linggo na pagbabakasyon na wallang iniindang sakit at iniisip n problema.


      PeƱablanca, bundok, at Cagayan River. Mainit ngunit maaliwalas , walang polusyon, sariwa ang hangin at magagandang tanawin. Kahit na malayo at pagod sa biyahe , makita at makarating sa paroroonan ay mawawala lahat ng pagod. Sagana ito sa kalupaan at mga tanim at kahit napinsala ng bagyong Lawin noong 2015 at nagkanda sira ang mga pananim at mga tirahan ay nakabangon parin at lalong dumami ang mga hayop na inaalagaan sa probinsyang ito. Malamig, mainit , at maligamgam na tubig ng ilog ay masarap sa pakiramdam. Dito makakapagpahinga anumang oras kahit mainit. Makakalimutan ang mga problema na malayo sa inyong tirahan sapagkat nakakagaan ng kalooban at napakagandang pagmasdan. Iba nga naman ang nagagawa ibigay ng probinsya.

Inilikha ni:  Tappa, Christine Joy G. 

FARM RESORT

        Sa mundo, may ibat ibang tanawin na sadyang kay ganda, at ang mga ito'y gawa ng Panginoon maykapal, o hindi kaya'y gawa ng katauhan. Masayang pagmasdan na kahit papano ay may mga na natiling, magagandang tanawin na inaalagan at pinapahalagahan pa ng karamihan. Isa na ang PMP Man-Made Paradise Farm Resort sa mga tanawin na kay ganda pagmasdan. Hindi lamang basta basta Resort na kung saan may swimming pool na may padulasan kung hindi maraming pang iba't ibang tanawin kagaya ng mga halaman ng iba't ibang klase ng bulaklak, prutas at marami pang-iba, at kagaya ng isang totoong Farm na may mga hayop na nakawala na malayang naglalakad, at may mga palarong sadyang kagigiliwan ng lahat kagaya ng ziplane, motorcade, biking at marami pang-iba, na sadyang kay luwag sa pakiramdam ng mga taong pupunta at makikisaya sa Resort.

       Sa isang paglalakbay lamang ay makikita na ang gandang tanawin na ginawa ng Panginoon at sa pag tulong din ng mga tao upang mas lalong pagyamanin ang ganda ng kalikasan. Sana'y ang bawat isa'y patuloy na nagkakaisa at nagtutulumgan upang mas mapangalagaan pa ang ibinigay na mundo ng ating Panginoon. Sa paglalakbay o pagpapasyal makikita at mapapagtanto na ang mundo ay kailangan ng pagpapahalaga at pagaaruga, upang makita pa ng mga susunod pang henerasyon na kung gaano kaganda at kung gaano kagaling ginawa ng Panginoon ang mundo.

Inilikha ni :  Darelyn Rivera



11. POSISYONG PAPEL
      
        Ang salaysay na posisyong papel ay nagsasabi o nagbabanggit at nagkekwento ng mga kuro-kuro tungkol sa isang paksa at kadalasang may-akda ang nagsusulat nito o ng entidad na tinutukoy katulad ng pulitikal na partido. Naipapasakamay ang mga posisyong papel sa dominyo, pulitika o gobyerno, at paaralan o akademya.

Posisyong Papel : Ang Hindi Pagsang-ayon sa Same Sex Marriage


          Laganap na at patuloy paring lumalaganap ang ikatlong kasarian ng mga Pilipino at may sariling samahan na kung tawagin ay LGBT "Lesbian,Gay, Bisexual and Transgender Community" sa iba't ibang panig ng mundo na kung saan ay parehas ang kanilang mga kasarian. Ngunit lingid sa kaalaman ng mga tao ang pares lamang ng kasarian ay babae at lalake.
           Ang Same Sex Marriage ay ang legal na pagpapakasal ng isang pares na parehong kasarian . Mayroong mga bansang aprubado ang ikatlong kasarian na ito sapagkat ito ay dahilan ng pagkakaroon ng kalayaan sa sarili nilang kagustuhan at walang pangamba. Nakatutulong ito sa pagkakaroob ng paglago ng ekonomiya at may batas silang sinusunod. Ayon kay Ladines(2016) lumalago ang ekonomiya sa New York City ng maisabatas ang pagkakaroob ng Same Sex Marriage
          Mayroong bansang salungat sa pagkakaroon ng kasariang ito sapagkat naaapektuhan nito ang ekonomiya ng bansa. Nagkakaroon ng diskriminidad ng mga moralidad ng mga tao dahil hindi na nabibigyan ng halaga ang batas at ang salita ng Diyos sapagkat ang gusto nila ay magkaroon ng kalayaan sa kanilang mga kagustuhan. At ang mga taong matataas ang mga pananampalataya sapagkat ang mga ito sumusunod lamang sa batas ng bibliya at hindi ito angkop sa mata ng Diyos. At ayon pa kay Duterte(2017) "katoliko tayo" at ang Same Sex Marriage ay para lamang sa mga Kanluraning bansa. At ayon pa kay Catholic Bishop Honesto Ongtioco ang kasal lamang ay para sa babae at lalake na magkakaroon ng sariling anak . at kung paatuloy na pagpapatupad nito ay magkakaroon ng kumplikasyon sa buhay ng mga Pilipino lalong lalo na sa usapin ng moralidad.
        Nararapat lamang na hindi pahintulutan ang bansang Pilipinas sa pagkakaroob ng Same Sex Marriage sapagkat mula sa salita ng Diyos ang babae at lalakeng kasarian lamang ang maaaring ikasal at ayon rin ito sa batas . Ang nararapat lamang ay irespeto ang karapatan ng kasarian na ninanais ng bawat tao sapagkat tao ay tao at pantay- pantay.

Inilikha ni: Tappa, Christine Joy G.


Posisyong Papel



"Paggamit sa ilegal na droga"


               Ang droga ay isang gamot para sa may mga sakit ngunit may dalawa itong uri ang nakakabuting gamot tulad ng mga paracetamol, vitamins,gamot sa ubo't sipon at marami pang-iba at ang nakakasamang gamot tulad ng paggamit ng marijuana na nakakasama kapag sumosobra at lalong lalo na ang shabu. Ayon kay Ernesto Reyes 2016, ang pilipinas ay isa sa mga bansa na kung saan laganap ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
            Ayon sa Republic Act No. 9165 ay isang batas Republika ng Pilipinas, kilala sa tawag na batas na pinalawak sa mga mapanganib na Droga ng 2002 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at nilalayon ng batas na ang mahigpit na paglaban sa ipinapagbawal na gamot.
Ayon sa SEK. 15 ART 11 - Isinasaad dito na ang sino mang mapatunayang positibo sa paggamit ng ipinagbabawal n a droga, sa unang pagkakasala ito ay may oarusang anim na buwan sa isang rehabilitation center na pag-aari ng gobyerno, sa ikalawang pagkakasala ito ay may parusang pagkabilanggo na umaabot ng anim na taon at isang araw hanggang labing dalawang taon at multa ng Php 50,000.00 hanggang 200, 000.00.

             At ang mga kadalasang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ayon kay Ernesto Reyes 2016 ay ang mga sakit na una depresyon, na dahilan kung bakit sila napakalungkot at pagod, pangalawa kabalisahan, kung bakit sila balisa at takot, at pangatlo ang bipolar disorder dahilan kung bakit pabago bago ang mood nila, kung minsan masigla, galit, malungkot at takot na takot. Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nagdudulot ng masamang epekto, ayon kay Ishee Patrimonio 2017, pagkakaroon ng adiksyon, pagtaas ng heart rate, pagkasira ng short term memory at working memory, pagbawas ng resistensya sa mga karaniwang sakit at marami pang-iba.

         Ayon kay Ishee Patrimonio 2017, ang mga Droga ay hindi magagamit upang takasan ang realidad na andoon ang suliranin sa buhay o para makaranas ng kaligayahan. Sapagkat ang paggamit ng ilegal na gamot ay wala naman itong maidudulot na maganda sa buhay ng tao, lalo lamang nitong sinisira o winawalang direksyon ang buhay ng tao, sa pagbabawal ng pamahalaan sa ipinagbabawal na gamot ay hindi lang para sa kanilang mga buhay kung hindi para din sa ikabubuti ng buhay ng bawat isa.

Inilikha ni: Darelyn Rivera